Nasa Jollibee ang isang Lolo at ang kanyang asawa. Nag-order sila ng isang regular Yum burger, isang fries at isang softdrink. Pag-upo nila, hinati ni Lolo ang burger sa dalawa at ibinigay ang kalahati sa kanyang asawa. Isa-isa rin niyang binilang ang fries at hinati sa kanilang mag-asawa.
Nakita ng isang binata ang mag-asawa. Naawa siya kaya't sinabi niya "Lolo, pwede ko ba kayong ibili ng isa pang burger at fries?"
"Salamat, hijo," sabi ni Lolo, "pero 50 years na kaming mag-asawa ng aking mahal at nagsi-share kami sa lahat."
Bumalik sa kanyang upuan ang binata, habang kinain ni Lolo ang kanyang kalahating burger. Pinanood siya ng kanyang asawa. Hindi nakatiis ang binata nang makita niya ito, kaya pinuntahan niya muli ang mag-asawa at sinabi "Lolo, gusto ko talagang ibili kayo ng isa pang burger at fries."
"Salamat na lang, hijo," sabi ng Lolo, "pero 50 years na kaming mag-asawa ng aking mahal at nagsi-share kami sa lahat."
Bumalik sa kanyang mesa ang binata. Nakita niya uli na ang Lolo ay kumakain ng fries habang pinapanood lang siya ng kanyang asawa.
Hindi na talaga makatiis ang binata kaya binalikan ang mag-asawa at sinabi, "Lolo, naaawa po ako sa inyong dalawa. Hayaan n'yo na akong ibili kayo ng isa pang burger at fries!"
"Salamat na lang, hijo," sabi ng Lolo "pero 50 years na kaming mag-asawa ng aking mahal at nagsi-share kami sa lahat."
"Opo sinabi n'yo na po sa akin 'yan!" sabi ng binata na naiinis na din, "Pero bakit po kayo naghihintayan para kumain?"
Matamis na tinitigan ng Lolo ang kanyang asawa at sinabi, "Kailangan naming maghalili kumain, kasi nagsi-share kami sa lahat... Pati sa pustiso."
Adapted from a joke found in The Habits of Success by Henry Toi.
Adapted from a joke found in The Habits of Success by Henry Toi.
No comments:
Post a Comment