November 05, 2012

Ikaw at Ako

Isang makabagbag-damdaming "kundimang" tema ng awitin. Ipikit ang mga mata't damhin ang sinserong musika, hayaang dumaloy sa iyong ugat at kaluluwa.



Ikaw at ako pinagtagpo
Nag-usap ang ating puso
Nagkasundong magsama habang-buhay

Nagsumpaan sa Maykapal
Walang iwanan tag-init o tag-ulan
Haharapin bawat unos na magdaan

Sana'y di magmaliw ang patingin
Kay daling sabihin kay hirap gawin
Sa mundong wang katiyakan
Sabay nating gawing kahapon ang bukas 

Ikaw at ako pinag-isa
Tayong dalawa may kanya-kanya
Sa isa't isa, tayo ay sumasandal

Bawat hangad kayang abutin
Sa pangamba'y di paaalipin
Basta't ikaw, ako, tayo magpakailanman

Kung minsan ay di ko nababanggit
Pag-ibig ko'y hindi masukat ng anumang lambing
At kung magkamali akong ika'y saktan
Puso mo ba'y handang magpatawad

Di ko alam ang gagawin kung mawala ka
Buhay ko'y may kahulugan tuwing ako'y iyong hagkan
Umabot man sa'ting huling hantungan
Kapit-puso kitang hahayaan, ngayon at kailanman, ikaw at ako

No comments:

Post a Comment