July 28, 2012

Hari ng Komedya


Sa iyong mga ibinahagi at iniambag
Sa lahat ng kasiyahang iyong idinulot
Sa mga ngiti at halakhak na ikaw ang may kasalanan
Sa pagsalamin sa ordinaryong Pilipino sa pamamagitan ng sining

Sa pagbigay kahulugan at kulay sa aming mga buhay
Sa pagpapagaan sa aming gabundok na problema
Sa pagpukaw ng aming damdamin
Sa magagandang aral na iyong itinuro at ipinamulat

Nakaukit ka sa aming puso at kaluluwa
Mananatili kang buhay magpakailanman
Aming taos pusong pasasalamat
Mahal ka naming lahat, Mang Dolphy!

No comments:

Post a Comment